i found this on tristancafe.com and tried to have the exam...hehe nakakatuwa...medyo tama ang result...
What's your SOSYAL factor?
1. Saan ang usual gimik spot nyo ng mga friends mo every Saturday night?
a. Embassy at The Fort. Sa tambayan ng mga celebrities and true-blooded rich and famous.
b. Metrowalk. Sa tambayan ng mga aspiring socialites.
c. Baywalk. Sa tambayan ng mga true-blooded Manilenos & Manilenas.
d. Luneta Park. Sa tambayan ng mga naghahanap ng kakaibang gimik kung gabi. Wala ka pang babayarang entrance fee!
2. Saang mall ka madalas mag-shopping?
a. Power Plant Mall in Rockwell Canter. Kasi nandun lahat ng mga signature and branded items na gusto ko.
b. Megamall. Kasi nandun lahat ng mga (local) signature and branded items na gusto ko, na kaya lang ng bulsa ko.
c. Tutuban Mall. Kasi andun lahat ang mga imitations ng mga signature and branded items na gusto ko.
d. SM-DS (Santa Ana Market Dry goods Section) - Everyday may sale! Pwede ka pang tumawad!
3. Anong hotel ang madalas mong puntahan para magcheck-in?
a. Manila Peninsula Hotel. Syempre dun ako sa five-star hotel.
b. Atrium Hotel Manila. So what kung three-star hotel lang? Ang importante may aircon at cable!
c. Sogo Hotel. So what kung hindi five-star? Marami namang stars sa kisame!
d. Nice Hotel. Lagi akong nakakakita ng stars kapag nandito ako. May free pansit pa!
4. Anong amusement theme park ang napuntahan mo na?
a. Disneyland. May souvenir picture pa kami ni Mickey Mouse.
b. Enchanted Kingdom. May souvenir picture pa kami ni Wizard.
c. Star City. May souvenir picture pa ako sa Wild River.
d. Perya ng Bayan. May souvenir picture pa kami nung Babaeng Gagamba.
5. Whenever I crave for chocolate, I always look for...
a. Chocolate Fondue. Heavenly delicious!
b. Chocolate Cake from Red Ribbon. Yummy!
c. Chocolate Bar from Goya. Sarrrap!
d. Chocnut. Me cocoa na, me mani pa! Me free sticker ka pa!
6. Para wag mong makalimutan, where do you usually put important and urgent messages?
a. On my palm pilot. Organized kasi ako eh.
b. On my cellphone, sa Reminders. Me alarm pa! Ewan ko na lang kung makalimutan ko pa!
c. On my notebook. Si Juday pa ang nasa cover!
d. On my palm. Kung masyadong mahaba, minsan umaabot pa sa braso.
7. Saan ka usually nakakakita ng olive?
a. Garnish sa martini or sa salad.
b. Sa pizza.
c. Sa grocery, yung naka-bote. Pero di pa ko nakakabili ever! Aanhin ko naman noh!
d. Sa TV. Partner ni Popeye.
8. My summer outing must-haves are...
a. Sunblock, shades, two-piece swimming attire/trunks. I usually go to Boracay kasi every summer eh.
b. Swimming attire, petroleum jelly (substitute ng sunblock). Sing-bisa pero di sing-mahal.
c. Swimming attire only. Ok lang mangitim, para "in". Summer naman eh.
d. Tabo. Sa banyo lang kasi ako eh.
9. What is your usual pig-out food when watching TV?
a. Pringles. I like the sour cream favor.
b. E-aji. Me free dip pa!
c. Boy Bawang. Yung hot and spicy.
d. Kaning lamig. Kahit walang ulam pwede na.
10. Kapag nagkaka-pimple ka, ano ang first thing na ginagawa mo?
a. Punta agad sa dermatologist ko. Grabe! I don't want my friends see me na may pimples ako! Eeew!
b. Lagyan agad ng Panoxyl bago pa lumaki, mahinog at pumutok.
c. Maghilamos agad ng Safeguard, kagaya dun sa commercial.
d. Lagyan ko agad ng first-aid treatment for pimples na available sa bahay. Suka. Natural antiseptic pa!
11. What are your collections?
a.Bags of different signature brands like LV (Louis Vuitton), Prada, Gucci, etc.
b. Bags from Natasha, First Quadrant, Sundance, etc. Pwede mo kasing bayaran ng two-gives.
c. Bags from DV (Divisoria) and GH (Greenhills), mga imitations.
d. Bags, particularly paper bags.
12. If ever may magbibigay sa yo ng 100 pesos, ano ang gagawin mo?
a. Idodonate ko sa simbahan.
b. Punta ko sa 99 Peso Store. Me sukli pa kong piso.
c. Ibibili ko ng load.
d. Ipambabayad ko ng utang. Kabawasan din yan.
13. Ano ang latest gadget ngayon na meron ka?
a. Apple i-pod. Pwede akong mag-download ng mga favorite kong songs, videos, and e-books.
b. mp3 player. Pwede akong mag-download ng mga favorite songs ko.
c. mp3 player from Quiapo. So what kung kaboses ni Mahal si Regine Velasquez sa player ko?
d. Walkman. Ang importante may music!
14. Magkano ang nagagastos mong load sa cellphone every month?
a. 1000 pesos. Naka-line ako noh!
b. 300 pesos. Kasyang-kasya na yan, no more, no less.
c. 100 pesos. Laking tulong ng unlimited.
d. 30 pesos. Kaya kapag di na ko nakakapag-reply alam na ng mga friends ko ang dahilan.
15. Whenever I want to eat steak, I always go to...
a. Outback Steakhouse in Glorietta. The best ang filet mignon steak nila!
b. Sizzling Steak sa SM Food Court. Kayang-kaya ng bulsa!
c. Jollibee. Favorite ko yung Burger Steak nila.
d. Sa pinakamalapit na tindahan para bumili ng Century Tuna in beefsteak flavor.
16. Kapag sinabi mong "ayokong kumain", that means...
a. Diet ako.
b. Busog pa ako.
c. Nagtitipid ako.
d. Wala na akong atik.
17. What is your favorite hors d'oeuvre during dinners?
a. Caviar on buttered bread.
b. Chicharon Bulaklak.
c. Hilaw na mangga with Bagoong.
d. Sorry, pero di ko kayang lunukin ang hindi kayang bigkasin ng dila ko.
18. Gaano ka kadalas mag-shopping?
a. Every weekend. Hobby ko na eh.
b. Twice a month. Tuwing kinsenas at katapusan.
c. Every quarter of the year. Hinihintay ko kasing mag-sale.
d. Once a year. Kapag na-receive ko na yung 13th month.
19. What was the grandest tour you had so far?
a. Around-the-world tour. I've been from North Pole to South Pole.
b. Philippine Tour. I've been to Luzon, Visayas, and Mindanao.
c. Luzon Tour. I've been to North and South Luzon.
d. Philippine Tour...sa Nayong Pilipino.
20. Ano ang iyong mantra in life?
a. I was born with a golden spoon in my mouth.
b. So what if I'm not number one, at least I'm the only one.
c. The best things in life are free.
d. Mahirap maging dukha.
SCORING SYSTEM:
a = 1 point
b = 2 points
c = 3 points
d = 4 points
20 to 34 points = Super Sosy -- Isa kang genuine socialite, nabibilang sa elite society, at higit sa lahat, rich dahil can afford mo lahat ng luhong pumasok sa kukote mo. You have a glamorous and luxurious lifestyle and you have a classy taste. Jenglish and Taglish are your official languages. Your clothes, shoes, and accesories are trendy and fashionable, you always have the latest gadget in town, and a frequent visitor of chic bars, parlors, and spas. Ikamamatay mo kapag hindi ka nakapagshopping at nakapag-travel! And, you have the talent to distinguish the imitation from the original. Pero dalawang factors lang yan, it's either galing ka talaga sa buena familia OR social climber/gold digger ka. Aside from that, you always act with finesse, sophistication and reservation. Kaya, people always expect a lot from you. Very conscious ka kung ano ang sasabihin ng ibang tao sa yo dahil ayaw mong mapulaan and you believe na dapat lahat ng ginagawa mo ay naaayon dapat sa high standards.Tip: Ipagpatuloy ang kasosyalan, but don't let your fabulousness get in your head. In other words, bawal kabagan sa ulo. Just be yourself. Hindi masamang magpakajologs paminsan-minsan.
35 to 49 points = Certified Chochal -- Isa kang jologs na sosyal. Pilit kang nagpapakasosyal, pero ang maganda sa yo (ewan ko lang ang mukha mo), alam mo kung ano ang kapasidad ng bulsa mo. Wise ka my dear dahil alam mo kung paano pumorma na hindi masasalanta ang iyong budget. Trying hard kang maging sosyalera, but in fairness, you have your own taste, preferences, and style na kakaiba. You may be a copycat, pero ang motivation mo: sometimes the copycat is better than the original. Tindi ng fighting spirit mo! Wapakels ka sa maaaring sabihin ng ibang tao basta para sa yo, you know what you are doing and you are happy with it. Walang basagan ng trip!Tip: Ok lang kung maging gaya-gaya or sumunod sa uso for fun, just make sure that you will not lose your own identity.
50 to 64 points = Best Buy Babe -- You have a great value for money. Nakakabilib ang pagiging moneywise mo dahil alam mo kung paano paiikutin ang pera mo. Lagi kang present sa mga sale ng lahat ng malls, tiangge, bazzar, etc. Napakaimportante sa iyo ng mga discounted prices. Kayang-kaya mong paikutin ang ulo ng tindera na mala-Linda Blair sa The Exorcist para pagbigyan ka sa makalaglag panga mong tawad. Ang lakas ng pang-amoy mo kung saang stores ang talaga namang bagsak presyo at kung saan pwedeng maka-avail ng mga imitations ng mga latest signature items. Yun nga lang, nakakalimutan mo ang isa sa mga factors na dapat iconsider sa pamimili, ang quality. Nakamura ka nga, pagkatapos naman ng one month naging duster naman ang blouse na binili mo. Hindi mo alam, ikaw ang nagoyo ng tinderang natawaran mo! Gagah! At dahil sa sobrang higpit ng hawak mo sa pera as if naka-epoxy sa palad mo, you are depriving yourself sa lahat ng mga pampasarap sa buhay.Tip: Reward yourself for being a budget freak and pamper yourself paminsan-minsan. Bawas-bawasan mo naman ang ipon mo dahil di mo kayang ipang-bribe kay San Pedro ang mga kayamanan mo para papasukin ka sa langit pag natigok ka na.
65 to 80 points = Poorika Peralejo -- Ikaw ang taong feeling pinaglaruan ng tadhana, pinagkaitan ng kaginhawahan, at biktima ng di wastong pamamalakad ng kasalukuyang administrasyon (konek?) dahil cannot afford mo ang lahat ng pampasarap sa mundo. Pakiramdam mo eh ikaw si Juday at ang buhay mo ay isang true-to-life soap opera. Kung ikaw ay laging kapos sa atik, it's either sadya kang ipinanganak na dukha o sadya lang kuripot to the max ka. Gayunpaman, di ka pa naman totally hopeless case, except your face siguro. Charing lang! Kung ako sayo, magsumikap ka lang ng konti at magbanat-banat ng buto, mag-ipon ng pang-tuition at mag-enrol na sa Honeymansi Chochal Society Training School for the Chochal Wannabes!Tip: Wag kang magmukmok sa isang tabi dahil kahit poorika ka, pwede ka pa ring magpakasosyal in your own way. Besides, sabi nga ni Sharon Cuneta, "Bukas luluhod ang mga tala" at ayon sa commercial ng Ginebra, "Bilog ang mundo."
my score....
YOUR SCORE: 45
Certified Chochal -- Isa kang jologs na sosyal. Pilit kang nagpapakasosyal, pero ang maganda sa yo (ewan ko lang ang mukha mo), alam mo kung ano ang kapasidad ng bulsa mo. Wise ka my dear dahil alam mo kung paano pumorma na hindi masasalanta ang iyong budget. Trying hard kang maging sosyalera, but in fairness, you have your own taste, preferences, and style na kakaiba. You may be a copycat, pero ang motivation mo: sometimes the copycat is better than the original. Tindi ng fighting spirit mo! Wapakels ka sa maaaring sabihin ng ibang tao basta para sa yo, you know what you are doing and you are happy with it. Walang basagan ng trip!Tip: Ok lang kung maging gaya-gaya or sumunod sa uso for fun, just make sure that you will not lose your own identity.
source:http://www.tristancafe.com/quizzes/sosyal/
No comments:
Post a Comment