Tuesday, April 24, 2007

01.Ano huling kinain mo? --- Tapsilog :)
02. Sino huling katext mo kagabi? --- karen
03. Ano sabi nya? ---sa dami ng pinagusapan hindi ko na matandaan haha
04. Ano oras ka nagising kanina? ---5:15AM
05. Ano iniisip mo ngayon? ---Pera
06. Ano gusto mo gawin? ---matulog
07. Happy o sad? ---sad
08. Missin anyone? --- wala naman
09. Huling taong nkausap mo? --- totski
10. Craving for something? ---ice cream and cake
11. Globe o smart? ---globe
12. Last gift na natanggap mo? --- bedsheet
14. Sino nagbigay? --- friend
15. Saan mo gusto pumunta ngayon? ---sa tagaytay
16. Kanino ka mas close, mom or dad mo? ---mama
17. Ano lakad mo tom? --- sa abs?
18. Nasan ka ngayon? ---office
19. Nalasing ka na ba? --- yup!
20. Last song na narinig mo?---hard to belive by eraserheads
21. Antukin ka ba? --- yup! in a major way!
22. moody ka? ---hindi naman po
23. Mahilig ka ba manood ng tv? yup
24. Nagmahal ka na ba ng sobra to the extent na siya na gusto mo pakasalan? ---hindi pa.....
25. Baby boy o baby girl? ---baby girl
26. Anu mas gusto mo, may katabi matulog o wala? ---wala, kung lang din kung meron
28. San ka madalas tumambay sa mall? ---foodcourt bwahahah
29. Ano importante bibilhin mo thisweek?---food, food and water
30. Ano gagawin mo after nito?---back to work

Saturday, April 14, 2007



Emote si Bossing
April 10, 10 AM

we had our weekly staff meeting last wednesday, after discussing about work bigla na lang napunta sa usapang resignation ang topic. Since magre-resign na yun isang officemate namin, nagbibiruan kami na itreat nya naman kami bago siya umalis tapos si bossing biglang nag-emote sabi nya hindi daw sya kakain hehe kitang kita sa eyes nya na parang naiiyak sya at malungkot dahil kakaresign lang ng isang staff nya a month ago tapos may susunod na naman, in a span of 2 years ba naman kasi, apat na staff na nya ang nagresign at lumipat sa private company.


2pm
to be continued pala ang emote ni Bossing


ang tahimik sa section namin tapos bigla na lang naalala na naman nila ang pagpapa libre sa officemate namin na magre-resign


officemate 1: magpa-merienda ka naman

officemate 2 : sa unang sweldo ko na lang

officemate 1: kelan?

officemate 2: sa april 30

officemate 3: promise mo yan ha

officemate 2: opo

officemate 4: bossing nauubos na ang staff mo ha

si bossing nakatingin lang sa amin parang nagiisip...

officemate 5: oo nga! bwiset na call center yan, nauubos na tao dito!

me: hehehe (yan lang reaction ko kasi busy sa internet)

officemate 5(talking to me): ikaw, kelan ka magreresign?

me: kung gusto na ni bossing na umalis ako, aalis na ako(sabay lingon kay bosing na may pang-asar pang ngiti)

bossing: ay! tumahimik ka dyan! itali kita dyan sa upuan mo eh!

me: hahaha!

officemate 4: bossing ipa-convert mo na lang kaya itong section natin na call center?

bossing: Mag-call boy na lang ako kesa call center, mas malaki ang kita maliligayahan pa ako!

nagtawanan lahat kami bwahahahaha!