Emote si Bossing
April 10, 10 AM
we had our weekly staff meeting last wednesday, after discussing about work bigla na lang napunta sa usapang resignation ang topic. Since magre-resign na yun isang officemate namin, nagbibiruan kami na itreat nya naman kami bago siya umalis tapos si bossing biglang nag-emote sabi nya hindi daw sya kakain hehe kitang kita sa eyes nya na parang naiiyak sya at malungkot dahil kakaresign lang ng isang staff nya a month ago tapos may susunod na naman, in a span of 2 years ba naman kasi, apat na staff na nya ang nagresign at lumipat sa private company.
2pm
to be continued pala ang emote ni Bossing
ang tahimik sa section namin tapos bigla na lang naalala na naman nila ang pagpapa libre sa officemate namin na magre-resign
officemate 1: magpa-merienda ka naman
officemate 2 : sa unang sweldo ko na lang
officemate 1: kelan?
officemate 2: sa april 30
officemate 3: promise mo yan ha
officemate 2: opo
officemate 4: bossing nauubos na ang staff mo ha
si bossing nakatingin lang sa amin parang nagiisip...
officemate 5: oo nga! bwiset na call center yan, nauubos na tao dito!
me: hehehe (yan lang reaction ko kasi busy sa internet)
officemate 5(talking to me): ikaw, kelan ka magreresign?
me: kung gusto na ni bossing na umalis ako, aalis na ako(sabay lingon kay bosing na may pang-asar pang ngiti)
bossing: ay! tumahimik ka dyan! itali kita dyan sa upuan mo eh!
me: hahaha!
officemate 4: bossing ipa-convert mo na lang kaya itong section natin na call center?
bossing: Mag-call boy na lang ako kesa call center, mas malaki ang kita maliligayahan pa ako!
nagtawanan lahat kami bwahahahaha!
Saturday, April 14, 2007
Posted by
bhitzs
at
Saturday, April 14, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
speaking of resignation, hmm parang nag iisip na rin akong lumipat ng company hehe. kelangan lang 1 month notice. sana tama maging decision ko.
tama ang decision mo! haha sulsol mode na naman ako!
kidding aside, pag-isipan mong mabuti sis :)
Post a Comment